junapin ditez

Wednesday, October 27, 2010

Ang FASHIONISTANG BEKBEK

Ola mga bekbeks! Mustasa kalabasa namanchina?!

Kakarampa lang ni watashi sa kasalukuyang nagaganap na Philippine Fashion Week, syempre hindi as a model, kungdi as a social-climbing bekbek! hahaha!


Aking sinagasa ang delubyo ng nagbabantang Julanis Morisset maka-attend lang ng parada ng mga kyomit at mowdils. Major thank you sa aking mga sponsor ng tickets (Direk Robby Carmona, Sir Abet Pestano ng Freego, designers RJ Gorospe at Veejay Floresca).

Malakas maka-istariray ng mga eksena sa PFW mga kapatid! Ang lola mo, full force ang drama, gamit ang GLCard (Ganda Lang Card) with lifetime membership, at mega jawtfit ng PRADA - PRADAK OF CHINA at ng mga na-Anna Bayle sa Ukay-Ukay ng Ilokanong si Mang Reming sa may kanto.

As usual, ginorahan na naman ng mga gorilla ang mga showelya, partikular yung mga may kaotohan na nagsisipag-sarapan! Una na diyan ang AXE MENSWEAR Fashion Show kagabi sa SM MOA Atrium kung saan bonggang rumampage ang mga kalalakihan in their underwear! (WELCOME TO SANTOLAN STATION!) *sabay lunok, yung may bwelo*

Sarap sarap lang nini!!! hahaha

Tapos nun eh major shukbo ang Big Beks sa SM Department Store Fashion Show sa SMX kung saan rumampa na naman ang mga peborito kong mowdils na sina Ria "Cheekbones" Bolivar, Jessica "Chekwa" Yang, Jiro "Sarap Papakin" Shirakawa, "Hideo "Sarap Ulamin" Muraoka (mapapamura ka sa sa sarap!), at Luke "Tirahin Mo Ako" Jickain.


At major major eksena din ditey ang Pinay Supermodel of the World na si Charlene Chat Almarvez! Yez mga beks, ang lola ninyo eh nasa pinas after her successful stints sa New York Fashion Week, few weeks ago.

Major sight kez din si Lolo Henry Sy na naka-wheel chair na sa sobrang katandaan (keri lang, mabyoman naman), and his entourage and bodyguards! AWARD!!!


In furnace, kabogchi ang new collection ng SM. shumashala ang levelling! yung kagaya ni watashi na purita lang ang bujey sa mga kyomit at aksesoryaloo, eh gorahan shulaga ang department store ng SM. WINNUR!!!

After ng kabog na show ng SM ay shumokbo naman akeywa sa last show for the night! Korek, Amazing Race Fashion Week Edition lang ang lola nyo! Wichikels bet maligwak sa eksena! Pagdatin ko sa Venue, nasight ko si kumareng TYRA BANKS at mega ispluk sakin ng "Congratulations, you are still in the running to become the next CHUWARIWAP KYOP MOWDIL OF THE ENTIRE UNIVERSE". keme!


Ayun, kembot na agad sa Paperdolls by Kate "petite ako, singkit pa" Torralba at Wharton by Rajo "sumo-songbird" Laurel fashion show. Bonggalin formalin ang set mga nini! Prang ang balay lang ni Big Beki! Malakas maka-European kembot! AWARD ulit!!!

Star studded ang attendance at di kinaya ng powers ng lola nyo!

Full force ang attendance ng mga sowshality society people! Mega sight ko ang diyosa ng mga bekbek sa Pilipinas na si Divine "mayaman na, long-legged pa" Lee, kasama syempre ang kanyang masarap na bowang si Victor "kaka-wet" Basa.

andonchi din sina Direk Robby "Kabogera" Carmona (thank you ulit direk!), Tim "Powerful" Yap, Dr. Vicky "MMMM = Matandang Matrona Maraming Moolah" Belo, Miriam "Dapa Queen" Quiambao, Pauleen "The Shinning Peacock" Juan, Sari "Putok Lips" Yap, Raymond "balyena, dinosaur, planeta Don't Judge Me Bitch" Gutierrez, Liz "Malakas Maka-Donya ng Outfit" Uy, Jenni "Pakak na Pakak!" Epperson, among others.

Andonchi din ang ilang mga istariray at istarlelets para ikembot ang mega presence na sila din ay belong with the sowshality!


Question of the night: Anekwabum ang ginagawa ni songeret Mark Bautista ditikla?

A. Betchikola niyang ma-labela na fashionable kahit wiz naman

B. Kembutelya niyang ma-sight ang mga creation ni kate at Rajo, hoping marami siyang maoorder sa PAPERDOLLS for his Summer 2011 wardrobe. charot!

C. Isa lang talaga siyang CHAROTERA like all the other feeling fashyown na utaw gaya ko, hoping makembutan ng free exposure sa fashion scene kahit sinusuka naman siya nito.

D. All of the above

Pakiliham na lang po ang inyong sagot sa charoterangsongbird@ikembotmoiisplukinko.com. first five winners mananalo ng album ni Mark Bautista with matching autograph at tarpaulin poster. May kasama pang P100 gift certificate ng Mang Inasal at one year supply ng chin-chan-su.

nakyopos ang show sa isang musiv video ni Bb. Kate at Bb. Rajo singing to the tunes of a Beatles Song, na kaka-aliw factor naman talaga, napa-palakpak ang audience at feeling ko ay biglang iilaw ng bonggang bongga ang mga lights of different colors, at isa isang tatapatan ng spotlight ang mga choseng ones!

voice over: Big Beki, ikaw ang BIGATIN!!!!

At tuluyan ding natapos ang show sa isang bonggang curtain call ng mga lalaking naka-bike at pagrampa ng mga merlat sabay pose sa shubi ng mga otoks. Si baklang Wilma "Negra na, Bakla Pa, San Ka Pa" Doesnt, ineksenahan si Papa Hideo ko. Kati-kati talaga ng babaitang ito.

Anyway high way, overall, panalo naman ang araw na itwu. Second day pa lang ng PFW at kabog na kabogchi ang dramarama!

In furnace, daminess barbarness mga social climbers at feeling fashionista na kagaya ko sa mga kaeksenahang ganito. kuda nga ni nanang Brida, "When there is food, there are langaws". TARAY!!!

ipopost ko na lang mga piktyuraka neks time. madami pa akong ieeksena na mga kakembutan!

TARUSH!!!



No comments:

Post a Comment

ispluk