junapin ditez

Monday, October 25, 2010

KAKAIBANG ALIW

The Philippines is the entertainment capital of the world.

Yiz! Naniniwala akez ng bonggang bongga diyan. Ang Pinoy ay mga born entertainers. Mahilig kumanta at sumayaw, at di lang basta mahilig, magagaling pa.

(mga piktyuraka ay nagetlak lamang sa Google. PAK!)

Nandiyang si kumareng Charice AKA Sunshine Kurikong na palung-palo ang karera sa hollywood ngayonchi. Ang walang kapantay na si Ms. Lea Salonga sa larangan ng teatro. Si Arnel Pineda at ang malakas maka-basag ngala-ngala niyang pagbirit with The Journey Band. Pati na rin ang ating mga half-half kababayan na sina Nicole Scherzinger, Enrique Iglesias, Bruno Mars at Vanessa "pokpokers" Hudgens.


At wiz lang sa kanta at sayaw nag-eexcel ang mga Pinoys. Lahatin na natin lahat ng klase ng performance arts at kung mga aneklavarva na nakakapagbigay ng saya at aliw factor sa mga ibang tao.

Ang mga Pinoy, maparaang mga tao. Na kahit sa mga pinaka-eklaver na bagay ay nagagawan ng paraan para maging kakatuwa at kakaaliw. Sa hirap na yata ng buhay sa mundo ay di mo rin masisisi ang mga Pinoy na gumawa ng paraan para malibang man lang. Na kahit sa simplicity na bagay ay makaramdam man lang ng kapirangot na saya at ligaya. PAK! Givelaban ko kayiz ng mga eksena?

Manuod ka na nga lang ng mga "TALENT" show sa telebisyon ngayon, naglipana sila----lahat umaasang makapag-bigay ng kakaiang klase ng ENTERTAINMENT at ALIW sa lahat.
Eksena uno. San ka ba naman nakakita ng taong nagpiprito ng tilapia sa kumukulong matika gamit ang bare hands, at eto pa, major pahid pahid pa sa mukha ng majinit na mantika, na parang nagfe-face spa lang?

At sanchi ka naman ba makaka-sight ng mga eksenang isang buong pamilya na kerikering tulungan sa paglafang ng mga kung anekwabumbum na mga bagay, from gagamba, ipis, scorpion at kung anufing mga insekto at mga peste. Level up naman yung mga keribells lumapuk ng pako, thumbtacks, blade o baso.

o divah! kita mo nga naman ang naidudulot ng matinding kalam ng sikmura ng ating mga kababayang dukha.

eh yung mga utaw na mahilig magpatusok at tumusok tusok? with a BIGuerlai na pardible, may i tusok sa pisngi, sa dila, sa leeg, sa batok, sa likod at kung san-san pa sa katawan ang eksena. eto na yata ang buwis buhay version ng cross-stitch. kulang na lang, tahiin ang sarili sa dami ng mga itinutusok sa katawan! wag ka, level up pa yung pag sa kabilang dulo ng nakatusok sa kanila ay may isang tricycle na kailangan nilang hilahin, or ibibitin sila gamit ang lubid na nakatusok sa kanilang katawan.

araykopohwz!

meron pa yung mga nag-a-ala volta. kabog lang humawak ng mga live wire at mga kableng bongga ang voltahe na kuryente. naghihintay na lang ako nung nagpapakuryente sa kidlat, pero so far wala pa naman nakakaisip nun.
eh yung mga humihiga sa pako tas nagpapatapak pa. yung iba nga level up, nagpapadagan pa sa isang majubis na utaw.

eh yung nagpapa-sagasa sa truck, na-sight nyo na ba?

asusmaryosep.

kung akes ang tatanungin, though kahanga-hanga naman ang kabilang kakaibang "skills" at "kaalaman", wiz ko talaga bet yung mga ganung eksena. una, wiz ko nakikita ang aliw factor sa mga ganung eksena. parang akez ang nasasaktan pag napapanuod ko yung mga Francia na eksenang mga ganun.feeling ko, ako yung nalalapnos ng mantika, ako yung natutusok, ako yung naiipit, ako yung nasusugat, etc etc. madami naman ang na-aamaze at naaliw sa ganung klaseng entertainment, pero yun sigurong mga matitibay ang loob. pero wichirit talaga akez!

ikalawa, wiz ko din talaga ma-gets kung nasan ba dun ang 'talent' factor. mega kuda na ang jinajanap nila ay yung 'TALENTADONG CHUWARIWAP" or 'PILIPINAS GOT CHENEMBULAR", oki, kakiba nga ang nagagawa nila. mga bagay na wit nagagawa ng ibang utaw, pero yung mga ganung level, wiz ko talaga bet tawaging 'talent", mas bet kong tawaging 'trip', o 'eksena' o kaya 'kalucresiahan'. hahahaha. or "kakaibang kakayahan". ang talent para sa akin ay something na innate na nahahasa, walang hangganan, patuloy na na-iimprove at nadedevelop. di gaya ng (ex) pagprito ng isda gamit ang kamay. kesyo palitan man ng ingredients ang lulutuan, iisa pa din ang eksena, hanggang diun na lang. di gaya let's say ng talento sa musika. ang pagtugtug ng gitara let's say. maraming eksenang magagawa. patuloy na madedevelope ang kakayanan. maaring iba't ibang klase ng musika ang matutunan. iba't ibang klase ng techniques ang maikekembot. basta yun. getlak mo yung thought? kung hindi, pwes, bahala ka na lang sa buhay mo.

pero in fairview, saludo ako sa kanilang kalakas ng loob, kakapalan ng mukha at katibayan ng sikmura. saludo ako sa mga taong may mga kakaibang kakayahan na nakapagdudulot ng aliw factor sa mga madlang bayan.

as Nini used to say, "kanya-kanyang trip lang yan".

1 comment:

  1. oo nga bonga yang mga utaw na gumagawa ng daredevil stunts potah. di ko kinekeri ang mga eksena nila ...

    ReplyDelete

ispluk